Ang doctrina ng ibang relihiyon sa pagka Diyos daw ni Jesus ay ganito. Kapag ang aso daw ay nanganak, anong tawag? di ba daw aso. At kung kabayo naman ang nanganak, anong tawag? di ba daw kabayo.
At si Jesus daw ay Anak ng Diyos, so anong tawag sa kanya? di ba daw ay Diyos rin kasi Anak sya ng Diyos. Sino ba ang nagluwal kay Jesus? di ba si Maria na isang tao din na lingkod ng Diyos. So kung si Maria na tao ay nanganak, anong tawag? di ba tao din.
At para mas laliman ang ibig sabihin, Ito ang doctrina ng The Holy and Sacred Almighty God Our Father tungkol sa ibig sabihin ng salitang "Anak ng Diyos"
Pag sinabing Anak ng Diyos hindi ibig sabihin ay Diyos na rin kundi ang ibig sabihin nyan ay tao na kumikilala at sumusunod sa kalooban ng Diyos na Ama at hindi nakakagawa ng kasalanan sa Diyos.
Si Jesus ay tinawag na Anak ng Diyos dahil sya lang ang tanging tao na sumunod sa kalooban ng Diyos at isinandal lahat-lahat sa Diyos at never nakagawa ng kahit isang kasalanan sa Diyos. Kaya nga sya ipinagmalaki ng Diyos na Ama doon sa ilog ng Jordan na marami pa ang nakarinig at ang sabi "Ito ang aking Anak na aking kinalulugdan"
Tayong mga tao ay mga Anak din ba ng Diyos? ang sagot ay Oo dahil ang espiritu natin ay galing sa Diyos. Pero kung ikaw ay taong sumusuway sa kalooban ng Diyos at patuloy ka pa rin sa paggawa ng mali ay hindi ka pwede na ipagmalaki ng Diyos na Ama na kanyang Anak dahil sinusuway mo ang AMA.
At kung ikaw ay isang makasalanan at patuloy sa paggawa ng kasalanan, hindi ka na maituturing na Anak ng Diyos dahil suwail ka sa kagustohan ng Diyos. Kundi kanino ka ng anak? Ikaw ay anak na ng demonyo kasi ang sinunsunod mo na kalooban ay kalooban ng demonyo.
Kaya nga nasa ating mga tao kung kanino natin gusto maging anak, kung maging Anak din ba ng Diyos or maging anak ng demonyo.
0 comments :
Post a Comment