Ang mangmang mas madali pa makaunawa kaysa matalino, kasi ang matalino ay di na mapagsabihan kasi matalino na kaya wala ng sasaway sa kanya kasi alam na nya.
Kagaya din ito kung magtrabaho ka ay mabuti pang kunin ay yung first timer kasi magagawa niya ng maayos ang trabaho at di nagrereklamo. Pero pag may experience na at pagsawayin mo na may mali sa kanya ay sagutin ka pa na "alam ko na ang aking ginagawa" kaya imbes na mapabuti ang kanyang trabaho ay deadball tuloy at nawalan ng trabaho.
Pag sa paniniwala naman, mas mabuti pa na wala kang alam kasi inaalam mo pa ito. Pero yung marami kanang alam ang mapagmataas ay nasa iyo kasi parang kayamanan iyan na pinaghirapan mo tapos kukunin ng iba. Parang buhay mo ang itataya mo, kaya walang kabuluhan pag walang mabuting nagtuturo.
Sabi nila pag hindi ka marunong kumanta ay tumula ka daw para kahit papaanu ay maparating mo ang nais mo.
Di bale nang bahay kubo ang kinakanta mo basta naaliw mo ang mga bisita. Kaysa naman marami kang ulam kung napapanis lang at pinapakain sa mga pusa't aso.
Ayaw mo ibigay sa kapatid mong ang bahay ay nasa likuran lang din ng bahay mo. Kasi may galit ka sa kanila na itinatago mo lang kasi ang akala mo ang Diyos ay natutulog.
Sabi nila "Tao lamang tayo kaya natural na nagkakasala". Totoo ang Tao ay nagkakasala dahil Tao pero wag po tayo mamuhay sa pagkakasala.
Ang DIYOS ay malinis at ang tatanggapin nya sa langit ay malinis din.>
Ang totoong matalino kahit hindi nakahawak ng libro ay may respeto. Pero maraming nakahawak ng iba't ibang libro minsan kahit nagluwal sa kanya ay kanilang sinasagot-sagot ito.
Kaya kung ikaw ay hiniya at pinagmataasan ng taong ang utak ay puro libro, pagpasensyahan mo na ang dinaanan nya kaya nyang kalimutan kung mainit ang ulo nya.
Di bale ng bulag at pipi basta malinis ang puso at walang sinasaktan na kapwa. Kaysa nakakakita at nakakarinig at may magandang hitsura. Pero napakarumi ng puso kasi ang namamayani sa kanya ay pang-aapi at panghuhusga.
Ang Diyos ay walang katapusan at hangganan pero dito sa lupa ay meron. Kaya tama lang na ang tao ay may kapaguran. Pero ang DIYOS sa langit ay ni minsan Hindi natulog at Hindi kumurap man lang ang mga mata.
Ang bulag ay Hindi nakakakita pero nakakapagsalita. Kaya sa mga walang kapansanan wag gamitin sa kasamaan ang mata at bibig. Kasi mapalad na dahil Hindi ka bulag at pipi.
Ang kamay nilikha para sa pagtulong at paggabay sa mga bulag at mga naapi. Ang bibig ng dukha ay nagmamakaawa Ang bunganga ng mayabang at matalino ay nananakit ng mga kawawa at api.
Pag puro matatapang na lahi ang nagkasagupaan sa digmaan. Maubos man ang kanilang lahi ay mag-hihintay ulit ng maraming taon at pagkatapos ng mahabang paghihintay ay muling sisiklab ang digmaan ng matatapang na lahi. Pero ang lahi ng mga takot ay dumami ng dumami saan mang dako.
Ang mga mababangis na lobo ay magkakasama sa paghahanap ng pagkain nila. Minsan isang araw may nakita silang isang tupa at dali-dali nila itong pinaligiran dahil naglalaway na sila sa gutom. Pero ang kasunod na nangyari sila muna ang unang nagkagatan at nagpatayan.
Kaya kahit sa loob ng bahay mo mag-ingat ka pa rin kasi hindi lang sa labas may ahas minsan nasa loob pa ng bahay namumugad ang makamandag na ahas. At di lang tayo nadadapa sa kalsada minsan sa hagdanan natin na matagal na tayong akyat baba.
Di bale nang mangmang basta waa kang nilalait at hinihiya na Tao. Kaysa naman matalino at magaling pero ang dila ay parang dragon na walang habas at pakialam kung sino ang matamaan at masunog. Basta ang kanyang gusto ang nais ay mangibabaw sya sa lahat. Di baleng masunog ang buong lugar wala syang pakialam at awa.
Ang lugar na walang Tao ay hindi matatawag na bayan pero ang bundok na malayo kung may tao itoy matatawag na pook. Walang matalino kung walang mangmang. Mas mainam nang isang mangmang basta may totoo kang mga kaibigan.
Kaysa magaling at matalino na napapaligiran naman ng mga mapagmataas at mga mayayabang na kung nakatalikod ang bawat isa ay parang mga aso na nagkakagatan.
Walang kabuluhan ang karunungan kung ginagamit sa pang-aapi ng mga mangmang at mga mahihirap. Pero kahit ikay mangmang kung marami kang mga kaibigan na natutulungan at ang kababaan ng loob ay nasa iyo. Ikaw ang may karunungang nanggagaling sa langit.
Ang pagtawa ay hindi masama or pagkakasala. Kung may dalawang bata naglalaro at natatawa ka sa kanila hndi iyon kasalanan. Pero kung may nag uusap ng masinsinan at silay magkatunggali at parang naapawan nung isa ang isa at ikaw na nanonood o saksi ay tatawa sa isa.
Iyon magbibigay ng palaisipan sa isa lalo na sa nasapawan yaong pagtawa mo na parang kampi ka sa katunggali nya. Kaya sunod na reaksyon nyan magagalit sya sa tumawa sa kanya. Kaya mga bro and sis ok lng ang pagtawa kng walang kaakibat na pangangantyaw.
Ang pangangantyaw kasi para sa akin hndi gawain ng totoong kriatyano. Kasi may kasabihan nga na pagnatisod ang iyong kapwa sa paglalakad kng ikaw ay kumikilala Kay Kristo na hari ng pagpapakumbaba. Ikaw ba ay tatalon sa saya?Di bat hindi? Kung may bulag nadapa pagtawanan ba natin o tutulungan at damayan? Diba dapat tulungan?
Kung may mga Tao na minsan may pagkakamali sa paglatag ng sharing ang gawin ba natin o itutugon natin ay pagtawanan ng pagtawanan na parang pangangantyaw?
Kasi kung kinantyawan natin para na ring ang ginawa natin sa bulag ng nadapa ay ating tinawanan imbes na tulungan or noong natisod ang isang Tao imbes na tulungan natin ay atin pang tinawanan.
Ang kasabihan ng matatanda. Pag papunta ka sa bayan at tatawid ka pa ng ilog dahil bibili ka ng pagkain nyo. At biglang tumaas at lumakas ang agos ng tubig, Wag ka na daw tumuloy kasi Di bale ng magugutom kayo kaysa aanurin ka ng tubig kung tumawid ka.
Pag papunta ka sa kapistahan at habang nasa daan ka pa ay naririnig mo na parang nagkakagulo doon tutuloy ka pa ba?
Abay kahit iyong mga matatanda na minsan ay pasaway din kasi tuwing hapon ay umiinom ng lambanog pero ang kanilang payo ay ganito.
Kayong mga kabataan para humaba ang buhay nyo umiwas kayo sa mga kaguluhan at wag kayo makipagtalo kasi baka mapaaway kayo at ikaw ang mapatay o sya mapatay mo.
Pero sya habang ngpapayo ay panay lagok ng lambanog Di nya alam unti unti nya rin pinapatay sarili nya.
Pag may lasing na nag aamok at nanghahamon ng away,Wag ka na daw lumabas at wag mo na patulan. Kasi pag pinatulan mo ang nag aamok na lasing. Ang resulta nyan dalawa na kayong lasing na kahit ikaw mula ng maliit ka ni singhot ng alak ay Di mo nagawa.
Kaya wag tayo pumatol sa lasing, At hindi lang lasing ang naghahamon ng away. Kundi mga taong may tagong galit sa puso. Wag ka pumatol sa mga lasing sabi ng matatanda kasi ang mga lasing ay iba ngayon at iba bukas.
Sabi ng matatanda kahit saang dako ka makarating ipakita mo ang mabubuti na nanggagaling sa puso mo. Para ang mga Tao na makadama o makasaksi niyon ay mag iisip na ikaw ay mabuti at nanggaling sa mga mabubuti at matutuwid na angkan.
Pero kung pagsulpot mo sa isang Lugar at gumawa ka kaagad ng ikakasira ng iba at ikaw ay nagmamalinis. Iisipin ng mga Tao doon na ang pinanggalingan mo ay masama kasi kasa kasama ng iyong bibig ang kasamaan at paninira sa iba. Kaya ang tingin sa iyo ay galing sa angkan na may masamang ugali.
Ang taong may DIYOS ay walang galit sa puso, Pero kung bukambibig mo ay DIYOS at meron kang kinamumuhian, Mag ingat ka kapatid kasi baka lamunin ka ng galit na mas matindi pa sa kapapanganak na leon.
Ang taong matuwid ay naglalakad sa pagkamatuwid, At gawain ba ng taong matuwid na sa pamamagitan nya ay may magkakasala kasi ang bibig nya ay pinaglihi sa pangangantyaw at pang aasar?
Sabi ng matatanda ang isang buto ng kinatay na baka ay dapat isang beses lang nilaga at ginawang ulam. Kasi kung nailaga mo na at uulitin mo pa ay wala ng lasa. Mas mabuti pa daw na nilagyan mo na mainit na tubig at asin ang kanin mo mas masarap pa.
Ang mga matatanda ay pauwi na, At ang mga kabataan ay papunta pa lamang. Kaya noong maliit ang bata ang nagturo sa kanya ay ang mga matatanda. Kaya ang bata ay lumaki at may alam kasi ginabayan ng matatanda.
Sabi nga ng mga matatanda pag ikaw ay binata at may napupusuan kang isang babae na gusto mong maging kabiyak. Anu bah dapat gawin ng binata?
Ito ang payo ng matatanda: Pag pumunta ka sa kanila magbigay galang ka sa mga magulang at mga kapatid nya at umayos ka doon ipakita mo na matino ka at kailangan ipakita mo rin na kumikilala ka sa DYOS para tanggapin ka nla at kng magustuhan ka nla ang tagumpay mo ay tagumpay din ng buo mong angkan.
Pag nahihiya kang magsalita sa iniirog mo daanin mo sa paghaharana para kahit papaanu ay maiparating mo ang nais mo At kng may gusto kng mapaniwala na isang Tao kailangan ipakita mo sa knya ang kahinahunan at kababaan ng loob kagaya din kasi iyan ng nanliligaw ka sa iniirog mo na igalang irespeto at magpakita ng pagpapakumbaba
Kasi kaya bang paamuhin ang mabangis na leon ng isandaang kawal na may hawak na latigo? O sa pamamagitan ng DIYOS mapaamo ang Leon? Mapaamo natin ang puso ng tao na parang sa Leon kung tayo mismo ay maamo at mahinahon.
Sabi ng matatanda kung may bahay ka at may kinikilala kang DIYOS, Kahit dis oras ng gabi pag may taong.kumatok sa bahay mo Pag may DIYOS ka syay bubuksan mo kahit Di mo sya kilala. Kasi ikaw na kumilala sa DIYOS mula ng isinabuhay mo ang SALITA ay itinuring.mo na ang buhay mo na sa KALOOBAN ng DIYOS.
Kaya sa lahat ng pagkakataon ay wala ka nang kinatatakutan kahit pa kamatayan kasi nakilala mo na ang DIYOS na may kaloob ng buhay at pagkamatay. Kaya sa mga bro and sis na dumadating ay Isang maligayang pagdating.
Kung ang Tao na nagsasalita at ang lumalabas sa kanyang mga bibig ay ikakasira ng iba, Isa lang ang patunay nyan na ang taong iyan ay ipinadala para makasira sa iba at ang nagpadala sa kanya ay ang utak ng lahat ng paninira.
Pag ikaw ay isang karpintero na naturingan, Pero ni isang bahay ay wala kang naitayo. Ngayon mapatunayan mo bah na karpintero ka?
Pag ikaw ay kumilala kay Jesus at sa mga apostol, Pero hndi nman nakikita ang sa mga asal at pag uugali ninyo ang buhay ni Jesus at mga apostol. Ganun pa man wala kayong pinag iba sa karpinterong walang naitayo kahit isang maliit na kusina.
Ang DIYOS ay walang kapaguran dahil syay makapangyarihan. At ang Tao ay walang kapangyarihan, kaya may kapaguran. Kaya mga bro and sis aalis muna ako kasi akoy Tao. GODBLESS sa ating lahat at sana magpakailanman ay sasaatin ang kapayapaan na isinabuhay ni Jesus na nagmumula sa ating AMA.
Wag kang magalit sa taong makasalanan, Kasi pag nagalit ka pareho na kayo. Wag isumpa ang gumagawa ng kasalanan Kundi kamuhian natin ang kasalanang nagawa para hndi natin pamarisan.
Pag napapagod na ang sinasakyan mong kabayo wag mong pilitin kasi bka magalit ang kabayo at itilapon ka pa nya na sumasakay lang.
Pag napapagod na ang utak mo wag mo na pilitin kasi baka imbes na karangalan ang ibibgay ng mga dilat bibig mo ay kahihiyan sa sarili mo kasi ang lumalabas sa bibig ay puro na paninira at panlalait.
Ang daan ko ay akin at ang iyo ay iyo. Pag magkasabay tayo baka maapakan ko paa mo or sa akin ang maapakan mo kaya ang mainam gawin kasi maliit ang daan isa ay mauna at ang iba ay susunod lang. Kasi si Jesus di nya isinama agad ang mga apostol kundi nauna sya at sumunod ang mga apostol.
Kahit si Jesus noong nabubuhay pa sya hindi lahat ng apostol naituwid nya tulad ni escariote. Kaya tayo sa panahon natin unahin natin ituwid mga sarili natin. Kasi masikip ang daan.
0 comments :
Post a Comment