March 27, 2016 - Pulong sa Sarangani Provincial Jail; at sa Habitat
Nagmisyon at nag Pulong ang mga Almighty na taga Habitat, Kawas at Maitum sa Sarangani Provincial Jail mula 1:00 - 3:00pm. Maganda ang pagtanggap sa grupo at maraming bilanggo ang nag testimony sa pagtanggap nila sa Ama.
Sinabihan sila ni Jet na may pag-asa pa silang magbago at makalaya para makapiling nila mga pamilya nila. Mapalad ang mga bilanggo kasi kahit nakakulong sila nakalaya sila sa pagkakasala ngayong nakilala na nila ang Diyos na Ama. Maraming tao ang nasa labas ng kulungan o nakalaya lang pero nakakulong pa sila sa pagkakasala kasi di pa nila kilala ang Diyos Ama at patuloy pa rin silang gumagawa ng kasalanan.
Sa pagbabago, huwag na ulit gawin ang kasalanan kasi malupit at masakit magparusa ang Ama. Nakikita Nya ang totoong kalooban at pag-iisip natin, wala tayong maitago sa Ama!
Noong gabi, sa bahay nina Jun at Niit sa Habitat nag Pulong.
Reggie & family:
Si Reggie ay parang si Aaron na kapatid ni Moses na pari noon at si Moses ang propeta na kinakausap ng Ama. Naunang namatay si Aaron kasi di sinusunod ang mga mensahe ng Ama.
Ganon din si Reggie na nagdadala ng Pulong ng Ama. Kaya binigyan sya ng Ama ng palugit na 3 buwan lang para magbago pati mga anak nya, kungdi, mamamatay sya.
Obligasyon at responsibilidad ng magulang na disiplinahin at gabayan ang mga anak na lumaki na maka-Diyos; di ipaubaya sa Diyos Ama na pabaguhin ang mga anak kasi baka luluha tayo ng dugo kasi masakit magdisiplina o magpabago ang Ama.
Bendisyon sana na marami kang anak , halimbawa 20, kaysa isang anak lang. Pero kung di mo sila pinalaki na matuwid, pinadami mo lang ang anak at kampon ng demonyo. Mas bendisyon pa ang kahit nag-iisang anak na matuwid!
Cecilia P. Kwan
0 comments :
Post a Comment