Monday, October 31, 2016

Patunay na ang Relihiyon ay Hindi sa Diyos

Hindi mahalaga ang relihiyon, ang mahalaga nagbago ang isang makasalanan. Kasi iyan naman ang mission ni Jesus sa lupa na ang mga makasalanan ay magbago.

Kasi kung ipamagitan natin ang mga relihiyon natin at mga simbahan natin, away lang ang kalalabasan. Kaya ang pinakamainam na gawin ay isantabi ang relihiyon at ipakita natin ang pag-ibig sa bawat isa at ikatuwa at ikasiya natin ang mga pagbabagong natamo ng ating nga kapwa. Hindi ung pagtawanan natin at kutyain ang mga pagpapatotoo ng mga taong nagbago.

Mas matimbang dapat ang kapwa kaysa relihiyon natin, kasi ang relihiyon walang maitulong sa tao. Pero ang kapwa tao ay may maitulong sa tao. Ang relihiyon imbes na magbuklod sa tao iyon pa ang nagbahabahagi sa tao.

Bahala ng wala kang relihiyon basta may kapwa ka na maituring. Anuhin mo ang relihiyon kung wala ka namang kapitbahay at mga kamag anak. Kasi naging masama ang ugali mo simula ng ipagmalaki mo ang relihiyon mo!

May mga taong dati mga kriminal, mga addict, mga pusher at mga sugarol at mga matatapang na wala sa lugar pag siningil ng utang matapang pa sa inutangan. Ngayon nagbago na at nagpatawad na pero para sa iba ay kahibangan ang ginawa ng mga taong ito Kasi ibang Jesus daw ang kinilala ng mga taong ito.

Tulad sa mga muslim na nakakasalamuha ng The Holy and Sacred Almighty God Our Father sa jail. Sabi ni Brod Jetjet sa kanila magandang araw brother, Sagot nila ganun din. Sabi namin kmi ay nagmimisyon para ang tao magbago at magkaisa at mamuhay sa pag ibig. Ang sagot ng muslim Tama iyan brother.

Wala kaming pinag usapan na relihiyon, Kaya natapos ang aming talakayan nang maayos at naging magkaibigan kmi. At sa tuwing pumupunta kami sa jail para magpulong nandoon talaga ang muslim nakikinig kasi tama daw ang tinuturo nmin Kaya kami ay magkaibigan. Kung ganyan sana lahat ng Tao na isantabi na muna ang relihiyon baka magkaroon pa ng pagkakaunawaan at pagkakaisa.

Pero kung ito ang aproach mo sa Muslim. Christian ako at akoy ligtas na at niligtas ako ni Jesus. At ang hindi sasampalataya kay Jesus bilang DIYOS at tagapagligtas ay susunugin sa impyerno. Ang sagot ng muslim sayo ay galit din at baka gawan ka pa nya ng masama.

Pero kung sabihin mong ganito brother Muslim ka? Ako ay taga visaya at pareho lang tayong pilipino at pareho tayong nilikha ng DIYOS. Kaya tayo ay magkaisa at magtulungan tayo sa paggawa ng mabuti. Anu sagot ng Muslim? Tama brother yan ang sagot ng muslim. O kitam isantabi ang relihiyon para mamagitan ang pagkakaunawaan at pagkakaisa at ang pag ibig. Pero kung ang bawat isa magmalaki na ang relihiyon nya ang Tama. Ang resulta ay away at pagkawatak watak.

Kaya ang relihiyon ay hindi iyan sa DIYOS, ang relihiyon ay para sa mga taong magagaling at matatalino. Ang pag ibig ay sa DIYOS kasi iyan ang daan para ang tao magkaisa. Pero ang relihiyon ay daan para sa pagkawatakwatak ng Tao.

Iyan ang katotohanan at nangyayari iyan ngayon sa panahon natin. Ang relihiyon ang naging bunsod ng kayabangan ng Tao. Pero ang pag-ibig ng DIYOS ang daan para magkaisa ang lahat ng Tao.

Ang Relihiyon walang pag-ibig, Pero ang DIYOS may pag-ibig. Ang relihiyon nanghihingi ng pera, Pero ang DIYOS hndi nanghihingi ng pera. At ang masaklap dahil hindi nanghihingi ng pera ang DIYOS ang ginawa ng relihiyon ginamit nila ang DYOS para magkapera. Kaya sa mga ginagawa ng relihiyon na hindi Tama, ang DIYOS ang kawawa.

Kaya wala ako/kaming relihiyon kasi kung may relihiyon ang Tao nagiging mayabang at mapagmataas. Pero ako/kami ay may paniniwala at pananalig at may mga kasamahan ako sa paglilingkod sa AMA. Wala akong bilib sa religion. Kasi sya nag uudyok ng kaguluhan.

Tingan mo si Manalo, Quiboloy at Soriano dahil may relihiyon sila na pinagmamalaki sa bawat isa tignan mo anu resulta? Di bat hindi maganda at away at bangayan at kanya kanyang pagalingan sa harapan ng maraming Tao. Kaya wala kaming bilib sa relihiyon.

Kasi pagalingan at pagandahan ng relihiyon ang labanan ngayon sa panahon natin at wala nang pag-ibig. Sa amin sa The Holy and Sacred Almighty God Our Father ay hindi mahalaga ang religion kaya ibinasura na namin iyan na salita. Walang kwenta iyan. Pero sa mga walang pag ibig mahalaga ang relihiyon kaysa sa kapwa.

0 comments :

Post a Comment