Saturday, July 2, 2016

Ang Kapaliwanagan ng Kasalanan ni Jesus

Ang pagsabi ng hndi totoo iyon ay pagsisinungaling.

Nang sumapit ang pista ng mga kubol o tolda c ang mga kapatid ni Jesus ay dadalo sa kapistahan ngayon tinanong nla c Jesus kng pupunta c Jesus at ang sagot ni Jesus ay hndi sya pupunta,pero pagkaalis ng mga kapatid nya ay sumunod din sya doon sa pistahan.

Ngayon ang tanong ang hndi pagsabi ng totoo ay hndi pagsisinungaling? At ang pagsisinungaling ay hindi pandadaya?

Yan lng naman ang sinabi ko, sinabi ko bang masama si Jesus?

At ang pagsinungaling na iyan ba ay sa karangalan ni Jesus or sa karangalan ng AMA? Kasi ng mga panahon na iyan ay masinsinan na tlga ang paghahanap Kay jesus para patayin o parusahan kaya ang mga kapatid nya ay natatakot na na pupunta sila sa kapistahan na kasama nila si Jesus. Kasi baka madamay sila sa kaguluhan ni Jesus, kasi si Jesus ay kalaban ng palasyo at ipinapadakip kaya iniiwasan sya ng mga kapatid nya kasi natatakot sila na madamay.

Kaya ang AMA ay nagpakita ng kanyang kapangyarihan na kahit wanted si Jesus ay pumunta sya doon at nangaral sa gitna ng karamihan na kahit ang mga kawal ay di sya hinuli dahil naaliw sila sa pakikinig kay Jesus na isang Guro.

Kaya dyan pinatunayan ng AMA ang kanyang kapangyarihan na hindi lang leon ang napapaamo nya kundi pati mga kawal na galit na galit kay Jesus kasi pagkatapos ng pagsasalita ng Guro doon pa nila naaninag na ang nagsasalita ay iyon na pala ang huhulihin nila pero di nla nahuli.

Kaya kung sinabi ko man na si Jesus na ating Guro ay nagsinungaling, ang tanong ay iyon ba ay masama at may kasamaan sa puso nya? Wala diba?

Pero ang Tao Tulad natin ipinaglalaban natin na hindi tayo sinungaling. Pero sa ang puso natin ay may mga galit at kasamaan at puno ng pamimintas sa kapwa.

Kaya sa mga kapatid na nagsasabi na nilapastangan ko si Jesus, hindi ko nilalapastangan ang ating Guro na si Jesus bagkus syay aming kinasisiya dahil sya ang taong sumunod sa KALOOBAN ng AMA na buong buhay nya inialay nya sa mga mkasalanan.

Nagsinungaling si Jesus sa mga Tao para maipakita ang kapangyarihan ng AMA at mabigyan karangalan ang AMA, kasi buong buhay ni Jesus inialay na nya sa AMA.

Kung baga nagkasala si Jesus sa mga tao pero hindi sya nagkasala sa AMA.

0 comments :

Post a Comment