Wednesday, May 20, 2015

Ang Diyos ng Panginoong Jesukristo

Si Jesus hindi ko Diyos, ang Espiritu Santo hindi ko Diyos, ang Diyos ko iisa lang! ang Diyos ni Jesukristo mismo, ang Diyos ni Jesukristo ang AMA. Noong nabubuhay si Jesus ang Diyos nya ang AMA kaya hindi Diyos si Jesus.

Kaya yan ang hamon namin sa mga Pari at Pastor, kung totoo ang sinasabi nyo , maniniwala lang ako kung hindi kayo umiinom ng gamot at hindi kayo nagpapa-doctor. Pero kung nagpapa doctor kayo at umiinom kayo ng gamot, bakit ako maniniwala sainyo?

Dahil sabi ni JESUS ang kagalingan ng sakit ay ito lang noong araw na nabubuhay sya “Lumuhod ka at humingi ka ng kapatawaran sa mga kasalanan mo at isabuhay mo ang pagsisisi, dyan gagaling ka” ibig sabihin ay hindi mo na babalikan ang mga kasalanan mo at magiging matuwid ka na.

Noon sa panahon ni Jesus may gamot na, BAKIT??? Sa panahon ni ABRAHAM ang Egipto ay mayaman na! sa panahon ni Moses ang Egipto ay napakayaman na!

Mula sa panahon ni Moses at ng mga KINGS, ang dami ng mga empire na itinayo, ang dami ng mga lahi, ang dami ng mga kaharian. Yung ISRAEL, sinakop ng Aserian, sinakop ng Persian, sinakop ng Babilonian, sinakop ng Greek at sinakop pa ng Romans!

Yung Romans may mga gamot na! bago pa isinilang si JESUS, ang Israel meron ng mga gamot-gamot! Pero noong nabubuhay si JESUS, sinabi nya ba na “Inumin mo ito, inumin mo iyan, ipahid mo yan?” Sinabi ban i JESUS na “dumulog ka sa ganito na nang-oopera? o gumagamit ng ganyang pamamaraan?” Hindi yan sinabi ni JESUS!

Anong sinabi ni JESUS? “lumuhod ka at pagsisihan mo ang mga kasalanan mo, magpakumbaba ka sa Diyos!” ibig sabihin kung nagpapakumbaba ka sa Diyos ay nagpapakumbaba ka sa kapwa mo. Pero kung nagpapakumbaba ka sa Diyos, pero hindi ka nagpapakumbaba sa kapwa mo, SINUNGALING KA!!!

Pag sinabi mong ganito, “LORD, GOD! MAHAL KO PO KAYO!” pero paglabas mo ay WALA KANG KAPITBAHAY! Sinungaling ka! Dahil kapag minahal mo na ang kapwa mo, minahal mo na ang DIYOS!

Pero kahit ipagsigawan mo sa buong mundo na mahal mo ang Diyos, pero marami kang inaapi, marami kang minamaliit, ang trato mo sa katulong mo ay hindi tao. Mahal mo pa ang hayop mo, mahal mo pa ang aso mo kumpara sa katulong mo. Yung katulong mo nga hindi mo madala sa parlor para pagupitan ng maayos pero yung aso mo buwan-buwan ay isanglibo ang ginagastos.

Sinasabi ng Diyos, mas mahal mo pa yung hayop! Kaya pagdating ng araw isasama ka doon sa mga hayop sa IMPYERNO! Ang pagiging maka Diyos ay hindi sa Salita, kundi sa Gawa!

Si Jesus noong nabubuhay sya, kaya sya umiiyak dahil maraming may sakit na gusto nyang gumaling pero hindi gumaling! BAKIT? Anong sinabi ni JESUS? “Dahil sa kalooban ng AMA ang pagpapagaling ko sainyo!”

Gusto nyang gumaling lahat ng may sakit! Pero hindi gumagaling iyong iba. BAKIT??? Walang pagbabago! Hindi totoo ang pagbabago! Kaya mismo si JESUS ay umiiyak noong araw dahil gusto nyang gumaling lahat!

0 comments :

Post a Comment