Yung mga Propheta noong araw kapag nag-aalay sila sa Diyos na Ama, yung Diyos na Ama meron syang response Nya na tanggap ang mga alay nila sa pamamagitan ng milagro. Katulad noong ginawa ni Abraham ng mag-alay sya sa Diyos na Ama ng mga hayop na hinati-hati nya na parang lumilipad iyong palayok na umuusok. Tapos iyong mitsa, iyong parang sulo ay umiilaw na umiikot-ikot doon sa mga pinira-piraso na mga hayop. Yung ibig sabihin noon na talagang hindi binigo ng Diyos na Ama si Abraham na ibig sabihin iyong inialay nya ay tinanggap ng Diyos na Ama at ipinakita ng Diyos na Ama ang milgaro.
Sa panahon natin ngayon at sa mga nagdaan na panahon meron tayong mga nakakatanda na gumagawa ng mga ritwal dahil dito yan binasahe noong araw na nag-aalay ang mga propeta,nag-aalay ang mga sinauna.
Pero sa panahon natin ngayon ay hindi na dapat yan dahil pinutol nay an ni Jesus, na kapag nagdasal tayo or nagsamba tayo sa Diyos na Ama yung pinaka-alay natin iyong mga sarili natin. Yung ating mga kasalanan ialay natin sa kanya saka iyong masamang mga ugali natin ialay natin sa kanya.
Dahil kapag inialay mo na sa Kanya, ay wala na sayo. So kung binigay mo na sa Diyos ang pagiging masungit mo, dapat hindi ka na masungit. Kapag binigay mo na sa Diyos ang pagiging madamot mo, dapat hindi ka na madamot. Kapag inialay mo na sa DIyos iyong pagiging mapintasin mo sa kapwa mo, parang kinaiinggitan mo iyong mga kasamahan mo dapat hindi mo na dapat isabuhay ulit yan at wag mo ng dalhin sa paguugali mo dahil inialay mo na sa Diyos na Ama.
Sa panahon natin ngayon, ang dapat nating ialay iyong kaluluwa natin, iyong ating espiritu. Noong araw ang alay nila sa Diyos na Ama ay iyong mga hayop na talagang pinaniniwalaan nila na talagang effective na kung baga nabibigyan nila ng kaligayahan ang Diyos pag sila ay nag-aalay kasi yan ang hinihingi ng Diyos na Ama eh.
Kasi sabi noon ng Ama “Abraham iyong pinakamatabang baka, iyong pinakamatabang tupa, pinakamatabang kambing, yung mga ibon ialay mo sa akin.”
Kaya dyan sinukat ng Diyos na Ama si Abraham, kung talagang kayang ibigay ni Abraham ang mga pag-aari nya. Kaya noong araw, yang mga hayop ay tinuturing na kayamanan yan, kasi halos walang hanap buhay noong araw na mapagkukunan sila kundi ang pag-aalaga ng hayop dahil hindi naman sila nagtatanim. Yung pinaka source of income nila ay iyong mga hayop.
Kaya dyan sinukat ng Diyos na Ama si Abraham kung kaya nyang ibigay sa Diyos ang mga pinaghirapan nya. Kaya sa panahon natin ngayon, minsan sinusukat tayo ng Diyos na Ama, na yung pera natin ipahiram natin sa mahihirap. Yung sasakyan natin ipahiram sa kasamahan na merong emergency. Yung mga lumang damit natin kung kaya nating ipamigay natin sa mga walang damit ay ipamigay natin. Yan, kapag mahal natin ang mga kagamitan natin, yung mga pag-aari natin kung para sa mga taong nangangailangan para na ring hindi natin kayang mag-alay sa Diyos ng mga bagay-bagay na yan na dapat ay wag nating etreasure yan, wag nating ituring na kayamanan yan. Yung ating pinaka-kayamanan ay iyong kaluluwa natin na malinis.
Kaya yan, sinusukat ng Diyos na Ama si Abraham at sa panahon natin ngayon ay Wala! Kung sukatin ka na lang sabi ng Diyos na Ama “kung talaga Mahal mo Ako na Diyos Mo ay ialay mo sa akin iyong sama ng loob mo sa iyong kapwa, iyong sama ng loob mo sa iyong kapatid, iyong sama ng loob mo sa iyong bayaw, manugang, biyanan.
Pero sa panahon natin ngayon ay hindi kayang ialay ng mga tao iyong sama ng loob. Hindi nila kayang ialay iyong kanilang pride, talagang pinanghahawakan nila. Pero sa panahon ni Abraham ay wala, talagang kaya nyang ibigay sa Diyos na Ama. Yun nga lang ay may mga mensahe ang Diyos na Ama kay Abraham na hindi nya maunawaan na namatay lang sya ay hindi nya naunawaan peso sinusunod nya iyong mga sinasabi. Pero iyong sinusunod nya pala ay iyong sa literal at iyong iba ay hindi sa spiritual.
Tulad sa atin ngayon sa panahon natin ngayon, maraming tao ang sinusunod sa bible pero hindi nila alam na iyong sinusunod nilang salita ay literal. Dapat ang sundin mo na mensahe ng Diyos na Ama sa Bibliya iyong spiritual.
Tulad nyan, kapag nagbigay ka ng sampung porsyento ng iyong kinikita, kung basahin mo sa Bibliya “ibigay mo sa Diyos ang sampong porsyento ng iyong harvest mo”. Ngayon, kaya mo bang ibigay sa Diyos? halimbawa ibigay mo sa church or sa pari.
Ngayon, nasaan ba ang Diyos? Nasa pari or sa kapwa? Sa kapwa di ba? So kinakailangan iyong dumadating saiyo na biyaya ay kung maari ay ibigay mo sa Diyos ang iyong sampong porsyento, kung maaari ay ibigay mo sa iyong kapwa. Kasi iyong simbahan ay mayaman na, yung pari mayaman na, iyong pastor mayaman na. Pero marami sa kapwa tao ang naghihirap, ang nangangailangan, tapos iyong pagsunod iyong sampung utos iyon sundin mo.
Yung sampong porsyento, iyong angkop lang iyong sumusobra sayo. Wag iyong bigay ng bigay ka sa simbahan at sa bahay mo wala kang mapakain sa mga anak mo tapos lagi pa kayong nag-aaway ng misis mo. Pinapasaya mo iyong pari, pinapasaya mo iyong pastor pero sa bahay nyo away! wala kayong makain. Natutuwa ba ang Diyos nyan? Hindi natutuwa ang Diyos na Ama nyan.
Mas matutuwa ang Diyos na Ama kapag ang lahat ng tao ay masaya, kapag ang lahat ng tao ay nagmamahalan, pag lahat ng tao walang problema at hindi gumagawa ng kasalanan.
Pero kung ganyan ang ginagawa ng iba, nagbibigay sa simbahan pero halos mamamatay na ang mga anak nya dahil wala ng makain, MALI YAN!
Kaya sa amin dito sa Almighty ang pina-alay namin dito kapag may pagtitipon ay pagmamahal, wala kami noong tinatawag na tithes and offerings. Kaya bawat magsimba dito sa amin lahat ay binibigyan ng pagkakataon na makapagbasa ng Bibliya para lahat makapag-share, para maipaliwanag mo kung ano ang iyong naintindihan sa nabasa mo.
Pero sa mga simbahan, makapagshare ka kaya? hindi ka makakapagshare at tagapakinig ka lang. Kung meron ka magandang idea ay hindi mo na masabi, hindi ka nila papakinggan dahil para sa kanila ay sila lang ang tama.
Dito sa amin sa Almighty, lahat pwede magpaliwanag kung ano ang kanilang naiintindihan sa kanilang binasa sa Bibliya. Mas maganda iyong marami ang nagpapaliwanag kasi mas maraming aral na matutunan. Dahil kung maraming nagpapaliwanag, at pag-isahin nyo iyong mga paliwanag nyo mas maliwanag.
0 comments :
Post a Comment