Maraming tao ang nagsasabi na si Jesus daw at ang Ama ay Iisa. Kung nabubuhay kaya si Jesus at tanungin natin sya, "Sino ang Diyos Nya?" malamang ang sabihin nya ay ang Ama.
Maniniwala lang ako sa mga taong nagsasabi ng ganito kung marami na silang taong hinawakan na gumaling, at marami ng mga pangyayari na sinabi nila ngayon na nangyari bukas o sa makalawa, sa isang taon o sa isang buwan. Kung wala pa sila nyan, hindi ako maniniwala sa kanila.
Iisa lang ang Diyos ang Ama. Noong sinabi ni Jesus na "Ako at ang Ama ay Iisa" hindi iyon tumutukoy sa pagka-Diyos. Dahil talagang maliwanag na maliwanag iyong nasa Bibliya na "Ako at ang Ama ay Iisa". Sa pagka Diyos na ba ito tumutukoy?
Ngayon kung nakasulat sa Bibliya na "Ako si Jesus, Diyos at ang aking Ama, Diyos. Kaming dalawa ay Iisang Diyos" yun maniniwala ako. Pero ang nakasulat ay "Ako at ang aking Ama ay Iisa", so maraming tinutukoy dyan.
Tulad nyan, ikaw at iyong nanay mo ay halos magkapareho ang mukha, magkapareho ang ugali, mabait, mapagbigay, mapagpasensya, tahimik, walang kalaban dyan sa lugar nyo. Ngayon iyong nanay nyo ay namatay na, tapos ikaw ngayon ay malaki na. Tapos meron pang nakakakilala sa nanay mo, at nakikita ka at nalalaman kung anong ginagawa mo.
Anong sabi ng tao sa paligid? "Yung batang yan, parang yung nanay nya rin" di ba inihahalintulad? inihahambing. Bakit? Sa ibang pananalita ng Panginoon sabi nya "Ipinadala ako ng aking Ama sa kanyang kalooban, wala akong kapangyarihan at tanging ang Ama lamang"
Ngayon, sino ang Diyos? Di ba ang Ama? Kung si Jesus ay Diyos, bakit noong napako si Jesus sa krus at ang sabi ay "Ama, bakit mo po ako pinabayaan? At bakit itinuro pa iyong dasal na "Ama Namin" kung sya ang Diyos? Kung si Jesus ay Diyos ay hindi sana Ama Namin kundi Jesus Namin.
Nakakahilo noh? pero yan ang tandaan natin. Kung nabubuhay si Jesus anong ginagawa nya? Di ba nagpapalaganap at hindi sya lalong nakilala sa pagpapalaganap. Saan sya nakilala? di ba sa Panggagamot?
Ngayon, iyong mga pastor, pari o ministro ba ninyo ay nanggagamot? Umiinom ng gamot? Ngayon kung hindi nanggagamot at umiinom ng gamot ang mga leader ng simbahan ay wala sa kanila ang Diyos, nasa kanya lang ang salita pero wala sa kanya ang Diyos.
Maraming mga leader ng simbahan ang nagdadala ng salita ng Diyos pero salita lang at wala ang Diyos. Bakit? Kung nasa iyo ang Diyos nasa iyo ang Milagro, nasayo ang kapangyarihan at sana hindi ka umiinom ng gamot. Pero anong katotohanan? karamihan sa mga leader ng simbahan ay umiinom ng gamot.
Bakit? kasi hindi nananalig sa kapangyarihan ng Ama, kasi kung nananalig ka kahit nag-aagaw buhay ka na ay hindi mo sasabihin na dalhin ka sa hospital kung nananalig ka sa kapangyarihan nya. Tama?
Oh ngayon, kung pastor ka, pari ka or ministro ka at umiinom ka ng gamot, nananalig ka? Dito sa amin sa Almighty, ayaw naming tawagin kaming pastor, pari or ministro pero hindi kami umiinom ng gamot. At marami kaming nakakaharap at nakakausap na gumaling sa kanilang mga karamdaman.
Iyong mga pastor, pari or ministro nyo may binuhay na patay na ba? Kung wala pa, mag-isip isip ka.
Bakit sa panahon ni Jesukristo hindi sya pinaniwalaan? Dahil sya ay isang maliit lang na tao sa kanilang lugar, pulubi sya at iyong damit nya ay sako. Iyong unang panahon ang damit ng mga pari ay tela na, iyong silk, iyong limen. Si Jesukristo ay mahirap na tao, kaya hindi sya pinaniniwalaan. Tama?
Kaya kami kapag nagsasalita kami sa Salita ng Diyos ay hindi rin kami pinaniniwalaan, dahil hindi kami nakapostura, pero marami ng mga milagro ang nangyari. Na minsan ay hindi nangyari sa mga pastor, pari or ministro, namatay lang pero walang nangyaring milagro sa buhay. Yun ba ang sinasamahan ng kapangyarihan?
Ganun iyon, hindi sa hitsura, hindi sa pananamit kundi sa espiritu. Yung pastor, pari or ministro nakita na ang Diyos? Kaya hindi nila masabi ang katotohanan kasi hindi pa nila nakikita ang Diyos.
Si Jesus bakit nasasabi nya ang katotohanan? dahil nakikita nya ang Diyos at nakakausap. Katulad din ni Brother Jet at ng ibang kasamahan namin sa Almighty, nakikita din at nakakausap ang Diyos.
Sasabihin naman ng iba, nagsisinungaling lang ako dito sa isinusulat ko na ito at hindi rin ako natatakot kung parusahan man ako ng Diyos kung nagsisinungaling ako.
Dahil kung kumikilala ka kay Jesukristo, dapat mamuhay ka sa katotohanan, wala kang ikukumbli or itatago. Dahil tayo dito sa lupa ay wala tayong kayang ikubli sa harapan ng Ama.
0 comments :
Post a Comment