Sa isang mission na napuntahan namin sa isang accommodation ng mga OFW sa Paranaque City kasama si Brother jet ay may mga ilang nagtanong sa kanya na ibang relihiyon especially sa pagkain ng baboy. Ito ang ilan sa mga polong ni Brother Jet sa kanila.
Kung ikaw ay Muslim at nagbabasa ka ng Koran at hindi mo isinasabuhay ang mga nabasa mo at hindi mo sinusunod ang kalooban ni Allah ay hindi ka Muslim, kundi ikaw ay isang Maguindanaon kung taga Maguindanao ka or Tausug ka kung ikaw ay taga Tausug or kung anong tribo ka, ganun ka lang. Tama?
Kung Muslim ka ba at kumakain ka ng baboy ay magkakasala ka?
Ito iyong paliwanag noong isang Muslim na babae " Kapag nakakain ka ng baboy at hindi mo nailabas ibig sabihin ay tanggap ng katawan mo pero kapag isinuka ng katawan mo ay hindi tanggap ng katawan mo at doon ka magkakasala" sabi daw noong namuno sa kanila.
Sabi ni Brother Jet ay wala daw iyon sa Libro ng Koran, "Kahit kumakain ka ng baboy basta asal tao ka hindi magagalit sayo si Allah. Pero kahit hindi ka kumakain ng baboy pero asal baboy ka, doon magagalit sayo si Allah" Yan ang dapat ituwid sa mga kapatid nating mga Muslim na ituwid ang kanilang mga mali na nariwara sa ganun pero hindi pa rin maiayos ang mga paguugali.
At sabi noong babae na muslim na hindi naman daw lahat ng Muslim ay hindi maganda ang mga paguugali, may mga ilan lang kaya ganito ang sinabi ni Brother Jet.
"Ang Moro ay pangkalahatan pero kapag tinawag mo sila na Moros ay pangit na iyon sa kanila."
Ano Ba ang Pinagkaiba ng Royal Blood sa Hindi Royal Blood? natanong ni Brother Jet. Gusto mong malaman kung anong pinagkaiba nyan iyong kasagaran ng mga dugong bughaw? Ay yan iyong mga nang-aapi. kasagaran ha? hindi lahat, Yan iyong mga nanggagamit. Kaya iyong ibang mga kapatid na Muslim ay nagiging kawawa.
Sino dito sainyo ang tutol sa tinatawag na Jehad or iyong Holy War? tanong ni Brother Jet. Sabi noong isang babaeng Muslim ay tutol daw sila. "Kung totoong Muslim ka, naniniwala ka sa Banal na Gyera? May Gyera ba ng Banal? Patayan yan ah."
Sino kaya sa kanila ang nag-utos na gawin iyon? Iyong Muslim ba naniniwala sa Demonyo? tanong ni Brother Jet. At ayon sa isang Muslim na babae ay naniniwala daw sila. Sa Angel naniniwala ba ang mga Muslim? at sabi naman nya ay Oo naniniwala daw sila sa Anghel kasi may kasama daw tayong mga Anghel.
Ito naman ang sabi ni Brother Jet "Ibig sabihin ay may kasama talaga tayong Anghel, at may kasama tayong Demonyo." Kasi minsan pagsakay mo ng Tricycle, nakita mo iyong kilikili ng mamang driver sabi mo "Ang baho!" kaya kasama natin ang demonyo noh? kasi namimintas tayo.
Iyong Muslim ba namimintas din? tanong ulit ni Brother Jet, sabi noong babaeng muslim ay lahat naman daw namimintas. Tanong nya ulit "Itinuro ba ni Allah iyong Jehad? or Holy War?" hindi daw sabi noong Muslim na babae. Pero bakit ginagawa ng Muslim? Ayun sa babae hindi nya daw alam sa ibang mga Muslim, pero sa side daw nila ay hindi sila naniniwala.
Iyong iba habang pinupugutan ng ulo ng tao ay sumisigaw pa kay Allah na "Allahu Akbar". Tama ba iyon? ayon naman doon sa babae na Muslim ay demonyo na daw ang may gawa noon.
Tanong ulit ni Brother Jet, "Naniniwala ba kayo sa Impyerno at sa Langit? at Naniniwala ka na may Kasalanan ka?" oo daw naniniwala sya. Kasi may nakausap na daw si Brother Jet na Muslim at ang sabi ay wala daw silang kasalanan.
At sinabi rin noong isang babaeng Muslim na pagkapanganak na daw sa bata at umiyak doon daw sya magkakasala. Kaya biglang napatanong si Brother Jet kung sa Muslim daw ba iyong paniniwala na "kapag umiyak ang bata pagkalabas sa sinapoponan ay may kasalanan na" baka daw sa Kristiyano na paniniwala iyong sinasabi nya.
At ang sabi nya ay sa "Muslim" din daw iyon na pagkapanganak na daw sa bata at umiyak doon daw sya magkakasala. Kaya nagtanong ulit si Brother Jet "Anong kasalanan ng bata paglabas nya? Iyong pagiyak kasalanan nya iyon? Iyong pagiyak nya sign na may kasalanan na sya? Eh mayroong baby na lumabas na hindi umiiyak ah! ibig sabihin walang kasalanan?"
Sino dito ang naniniwala na noong pinanganak sya ay may kasalanan na sya? Sa Muslim at Kristiyano sino naniniwala? Ayon naman doon sa isang Born Again ay iyong kasalanan daw natin ay minana sa ating mga magulang dahil iyon daw ay sinabi ng pastor nila. Ito ulit ang tanong ni Brother Jet "Ngayon matanong kita, ano ang kasalanan mo?" sabi ulit noong Born Again ay sabi daw sa kanila noong pinanganak daw sya sa mundo ay nagkaroon na daw sya ng kasalanan. Kasi daw iyong kasalanan ng magulang nya ay minana na daw nya.
So ganito ulit ang sabi ni Brother Jet "So paglabas ng paglabas mo sa sinapupunan ay nagmumura ka na? paglabas na paglabas mo ay nagnakaw ka na? sumagot-sagot ka na?"
Wala kang kasalanan, pero kung ito sabihin mo ganito "Tayong mga tao hindi pa tayo pinapanganak, ang kasalanan ay nandito na sa mundo dahil si Lucifer nandito na pwede iyon! At kung sabihin mo na hindi ka pa pinapanganak, ang kasalanan ay nandito na dahil meron ng mga tao na nauna sa atin na nakagawa ng kasalanan, pwede iyon!"
Pero kung baby ka pa ay wala kang kasalanan, sapagkat magkakasala ka sa araw na lumaki ka at alam mo na ang tama at mali pero ginagawa mo pa rin ang mali ay doon ka pa lang magkakasala.
Bakit kailan ka ipinanganak? nito lang di ba? Kailan pinatay si Jesukristo? matagal na! At anong sinabi ni Jesus? "Sa kamatayan Nya natubos na ang lahat ng kasalanan ng tao" noong unang panahon na iyon! Pero hindi ibig sabihin ngayon ay hindi ka na gagawa ng mabuti. Dahil kapag gumawa ka pa rin ng kasalanan ay Impyerno ka pa rin. Ganun iyon. Tama ba?
Paano ka magkakaroon ng kasalanan? eh baby ka pa lang, marunong ka na ba magmura? Eh kung baby ka at meron kang minanang kasalanan, eh pagnamatay ka dire-diretso ka sa impyerno kasi may kasalanan ka.
Paglumaki na iyong baby at nakikita na sa mga magulang iyong kasalanan at gagayahin ng bata, yun! doon sya magkakasala. At pagsinaway ka na mali iyan, sabi ng Nanay mo "Wag kang sumagot-sagot sa akin kasi kasalanan iyan, may isip ka na at alam mo na ang tama at mali" ngayon gagawin mo padin, dyan ka nagkakasala.
Sinabi ng magulang mo na wag kang magnakaw, tapos nagnanakaw ka! dyan ka nagkakasala. Hindi iyong rason na iyan saka iyong iba ginagawa ang rason na "Normal lang ako na nagkakasala dahil tao lamang ako" Sinong sainyo ang ganyan na nagsasabi lagi yan? Totoo, kung meron sainyong ganyan, hindi talaga makakarating sa kaharian ng Ama.
Bakit? Sa kamatayan ng Panginoon Jesukristo, at ipinakita Nya ang buhay na karapat-dapat, iyong buhay na tama, pinakatamang buhay. Sino sa atin ang hindi nakakakilala kay Jesus? meron ba? Kahit Muslim kilala nila si Jesus. Si Muhammad mismo naniwala kay Jesukristo. Tama?
0 comments :
Post a Comment