Monday, May 18, 2015

Pagsusuri sa Paniniwala ng Tao sa Diyos

Maraming tao ang nagsasabi na naniniwala sila sa Diyos pero patuloy pa rin sa paggawa ng kasalanan. Maraming tao ang nabubuhay dito sa mundo pero puro paggawa ng kasalanan, kung ikaw ay patuloy sa paggawa ng kasalanan sa tingin mo saan patungo ang kaluluwa mo? Langit ba or Impyerno?

Pero kapag tinanong mo naman kung saan nila gusto ay sinasabi na sa Langit, pero wala naman sa gawa. Dahil ang laging rason ng iba ay "natural ay tao lamang ako, nagkakasala". Kapag laging ganyan ang rason mo, totoo hindi ka talaga makakapasok sa kaharian ng Diyos.

Kaya nga sabi ng Ama na lahat ng daw ng tao dito sa mundo ay buhay nga pero patay! Dahil hindi sumusunod sa kanyang kalooban. Ikaw kung tatanungin kita, hihintayin mo pa ba ang pagbiyak ng langit? Yan ang laging sinasabi ng mga Born Again na ang lagi nilang sinasagot na "kami ay ligtas na dahil kami ay nabinyagan na". Naniniwala ka sa ganun? Na noong bininyagan ka naniniwala ka na ligtas ka na dahil sinabi ng Pastor na nagbinyag sayo?

Kung sasabihin mo na hindi mo alam. dapat alam mo yan. Kasi kapag kumakain ka sa isang restaurant, kapag hindi mo binuksan iyong lagayan ng mga pagkain at sinabi mo na "iyong pangatlong lagayan iyon ang akin." Papayag ka ng ganun sa karenderia na hindi mo alam kung anong nakalagay dyan tapos upo ka na doon sa mesa tapos sabi mo "Manang, iyong nasa pangatlong kaserola iyon ang akin." hindi mo na titingnan.

Ganun ka ba kapag kumakain ka sa Karenderia? di ba kapag kumakain ka sa isang karenderia ay titingnan mo muna kung parang malinis, tingnan mo muna kung may electric fan, tapos titingnan mo muna ang kaserola kung iyong ulam ay malinis. Ibig sabihin ay sinusuri mo.

Kaya iyong simbahan na pinapasokan mo, dapat sinusuri mo dahil ang nakasalalay dyan ay kaligtasan mo kaya dapat suriin mo. Kaya maraming napapahamak sa Amerika, dahil maraming pumasok sa Born Again, hindi nila alam ay padala na padala ng demonyo. Kasi nagiipon sila sa isang bahay, sabihin ng leader na "ngayon na, sabay-sabay na tayong umalis dahil hindi na natin aantayin ang pagkagunaw ng mundo". Kaya ang ginawa nila ay sabay-sabay silang uminom ng alak na merong "scienide".

Eh di sabay-sabay silang uminom, paglipas ng ilang araw natagpuan iyong nagkalat ang daming mga patay. Sino ang mga yan? Mga Born Again yan! Kaya mag-ingat!

Para sa amin sa Almighty ang kamatayan ay hindi kinakatakotan kahit iyong kalamidad ay hindi kinakatakotan. Bakit? Dahil kalooban lahat ng Diyos na mangyari iyon.

May sakit ka o wala, mamamatay ka rin! Binaril ka man o wala, mamamatay ka rin! Sinaksak ka man or hindi, mamamatay ka rin! Mabundol ka man ng sasakyan o hindi, mamamatay ka rin! Anong kinakatakotan natin? Dapat wala, Dahil iyong kalooban ng Ama sa atin na pagkatapos nating ipanganak tayo, ano ang kalooban natin? Di ba "Kamatayan?"

Ngayon, sino pa dito sa atin ang natatakot mamatay? Meron ditong natatakot mamatay? Pagnatatakot kang mamatay, Impyerno ka talaga. Dahil ang kinakatakotan mo ay ang isang kalooban ng Diyos na Ama.

Ngayon tanungin ko ulit kayo, natatakot kang mamatay? sasabihin mo na siguro ngayon ay hindi. Pero tanungin kita ulit, "umiinom ka ba ng gamot?" ngayon kung sasabihin mo na umiinom ka ng gamot ibig sabihin ay natatakot kang mamatay. Tama? Hindi ka natatakot mamatay pero pag may sakit ka, umiinom ka ng gamot! Oh di kalokohan, natatakot kang mamatay.

Kaya yan ang mga pabiro namin sa mga pastor at pari.

Brother Jet: "Pastor maka Diyos ka?

Pastor: "Oo maka Diyos kami"

Brother Jet: Naniniwala ka sa kapangyarihan ng Diyos?

Pastor: "Oo naniniwala kami, kaya nga Pastor kami"

Brother Jet: Pag may sakit kayo umiinom kayo ng gamot Pastor?

Pastor: "Oo umiinom kami"

Brother Jet: Pero hindi kayo natatakot mamatay?

Pastor: "Oo hindi kami natatakot".

Brother Jet: Sige daw, isipin mo ulit iyong mga sagot mo sa akin kung hindi ka natatakot mamatay. Sabi mo Maka Diyos ka, pero pag may sakit ka umiinom ka ng gamot" eh di sinungaling ka!

Tama? Ngayon sino sainyo ang nagbabalak magtrabaho abroad at natatakot lumabas ng ibang bansa? Wag kang matakot dahil kapag natakot ka ay baka ibigay ka ng Ama doon sa tigre na amo. Lalo na kung Arabo ang amo mo at strikto, nangmamaltrato, wag mong katatakotan dahil tao yan may puso di ba? Kahit gaano yan kasama, meron iyang kabaitan, meron pa ring natitirang kunting pag-ibig. Malay mo sa pag abroad mo, ikaw ang magiging daan para iyong kunting pag-ibig ng amo mo ay baka lumago at maghari sa kanila ang pagibig. Bakit?

Yung hayop nga, iyong leon at tigre kayang paamoin ng Diyos. Yung hinulog si Daniel doon sa balon na merong mga leon at tigre, kinalmot ba si Daniel? Hindi di ba? Bakit? Dahil naniniwala si Daniel sa kapangyarihan ng Diyos na Ama. Kaya kung sino man sainyo dyan ang natatakot na lumabas ng bansa, ay wag na kayong tumuloy doon. Kasi baka doon kayo ibigay sa mga tigre na amo. Kung baga yung turing nila sa mga Filipino ay hindi tao, ang turing nila kahit pareho nila na Muslim ay iba pa rin. Marami pa rin ang sinasalbahi.

Pero kung ikaw ay kasama mo ang pag-ibig at pagmamahal ng Diyos Ama doon, totoo! Kahit na iyong amo mo masungit pa, magugulat ka na lang balang araw ay magiging mabait saiyo yun. Bakit? Di ba iyong leon bumait? iyong tigre bumait? di ba?

Si Joseph The Dreamer, noong kinulong sya doon sa kulungan anong nangyari sa kanya doon? Minahal sya doon noong parang kapitan na taga pamahala doon ng mga sundalo at ginawa syang parang leader doon. At bandang huli ay ginawa pa syang mas mataas na position dahil nahulaan nya iyong panaginip noong hari at pinakawalan sya at ginawa syang gobernador.

Kaya walang impossible, kahit na iyong mga israelites ay tinuturing ng mga Egyptians na mga slaves pero balang araw nagiging isang may mataas na katungkulan.

Kahit saan ka pa, kahit saan ka makarating na lugar ay hindi ka papabayaan ng Diyos, hindi nya pahihintuotan na mapahamak ka. Tama? Basta magpakumbaba ka.

Pagdating ng araw, pagdating ng hukom sa atin dahil isa-isa naman tayong hahatolan, hahatolan ka ayun sa iyong ginawa. At ayun sa iyong buhay dito sa lupa. Hindi pwedeng sabihin mo doon sa Ama na "Diyos na Ama mapagbigay ako, Diyos na Ama mabait ako, Diyos na Ama kahit sampalin pa ako ng kapitbahay ko ay halikan ko pa iyon."

Kahit hindi mo na sabihin yan, dahil hindi ka pa nakarating doon sa langit ay alam na Nya kung anong buhay mo dito sa lupa. Pero tayong mga tao, magaling talaga tayo magkunwari, kahit masama ka na ay ipapalabas mo sa ibang tao na mabuti ka.

Akala mo hindi alam ng Diyos yan? Kung sa ngayon yun ang akala mo, pagnamatay ka ay ipapakita sayo lahat kung anong ginawa mo dito. Mas matindi pa sa CCTV, wala ka talagang ikukubli kahit noong nilabas ka, noong bata ka hanggang sa lumaki ka. Kahit nag High School ka, nagcollege ka lahat talaga. Kahit natutulog ka lang ay ipapakita sayo lahat ng Diyos na Ama.

Kung baga nakarecord tayong lahat. Kaya maswerte iyong nakakarinig at nakakabasa nitong mga salita ng Ama dahil napapalaganap ang kanyang salita. Dahil nakita ng Diyos na Ama na maraming mga Nanay, mga Anak na pumupunta ng Abroad na nagpupursige lalo na sa mga napupunta sa hindi mabuting amo.

0 comments :

Post a Comment