Thursday, July 30, 2015

Bakit sa Simula pa lang ay Sinabi ni Jesus na Kasama nya ang Ama

Kaya po nasabi ni jesus na sa simula pa lng ay kasama na nya ang AMA at sya ay kasama din ng AMA dahil ang katotohanan ang lahat ng espirito ay nanggagaling sa AMA dahil sya ang tagapaglikha at noong hndi pa ipinadala c jesus sa lupa sya ay espirito pa na nasa AMA mismo. Pero noong ipinadala sya at ipinanganak ni maria ang kanyang espirito na nanggagaling sa AMA ay dumating na sa lupa at namuhay na sa katawan ng tao na ang AMA din ang may likha.

Kaya kayang sabihin ni jesus na hndi pa sya ipinanganak o sa simula pa lng ay kasakasama na nya ang AMA o kasama na sya nang AMA kasi saan ba nanggaling c jesus? eh di ba sa AMA kaya noong ginawa nang AMA ang sanlibutan kayang sabihin ni jesus na kasama na nya ang AMA kasi ang espirito ni jesus ay nasa AMA pa.

Kahit tayo kaya din natin sabihin na noong simula pa ng sanlibutan ay kasama na natin ang AMA at tayo ay kasakasama nya din dahil ang espirito natin ay nasa kanya pa kasi di pa tayo ipinanganak dito sa lupa.

Kaya ibig sabihin nasa kanya pa tayo kasi sa kanya tayo nanggagaling, kUng kailan ka ipinanganak ngayon ka lng dumating sa sanlibutan at noong Ika pa ipinapanganak syempre ang kaluluwa mo o ang espirito mo ay nasa AMA pa di pa nya pinapadala sa lupa para mamuhay dito bilang may katawang tao kasi lahat tayo nanggaling sa AMA./p>

Kaya may karapatan tayo magsabi na hndi pa ako pinanganak kasama ko na ang DYOS AMA kasi sa kanya tayo nanggaling.

2 comments :

  1. Noong wala ka pa sa mundo, wala ka pa kahit saan. Maling sabihing kasama mo na ang Ama eh wala ka pa nga noong hindi ka pa ginagawa ng nanay at tatay mo. Tayo may simula dahil tayo ay nilikha. Pero si Jesus walang pasimula at hindi nilikha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung wala ka pa sa mundo ibig sabihin ang espiritu mo ay nasa Diyos na Ama at noong ipinadala ng Diyos na Ama ang espiritu mo sa lupa, doon ka pa lang ginawa ng nanay at tatay mo.

      Ang walang pasimula ay ang Diyos na Ama lamang at si Jesus ay may pasimula dahil ipinanganak sya dito sa lupa dahil hindi sya Diyos

      Delete