Sa panahon ni Jesukristo, grabe na ang mga ipinakita nya na milagro, grabe na ang mga ipinakita nya na kapangyarihan para ang tao ay maniwala, pero marami pa rin ang hindi naniniwala at itinatatwa pa.
Sa panahon ngayon na sabihin mo sa tao na gumaling ka ng walang gamot at walang doctor at dasal lang at pagsisisi sa mga kasalanan ay pagdududahan ka pa. At sasabihin pa na kunwari lang sila hindi umiinom ng gamot, pero umiinom pa rin naman.
Kaya kahit anong klaseng paliwanag pa ang sabihin mo sa kanila ay hindi sila maniniwala na ikaw ay gumaling ng walang gamot at walang doctor sa sakit mo hanggang sa mag-away na lang kayong dalawa.
Kaya sa panahon ni Jesus, ang panginoon na mismo ang nagpapaliwanag pero pinaniwalaan ba sya? Hindi! Walang naniwala sa panginoong Jesuskristo.
Kaya kung may taong ayaw maniwala sayo tungkol sa mga Salita ng Diyos na Ama na sinasalita natin sa kanila, tuloy lang tayo kung hindi sila maniwala. Bakit? Dahil noong hindi mo pa kilala ang Diyos na Ama ay katulad ka rin nila na makasalanan dati. Kung baga nagreflect lang iyong ating mga sarili noon sa kanila na noon tayo ay mga makasalanan din.
Si Jesus nga walang nagawang kasalanan, pero hindi pa rin sya pinaniniwalaan ng mga tao noon. Ang dami-dami pa ngang mga tao ang hindi naniniwala sa kanya, pero wala syang nagawang kasalanan, tayo pa kaya na dating mga masakalanan?
Kaya kung ikaw ay nagdadala ng Salita ng Diyos, at tawagin ka ng ibang tao na pastor, wag mong sabihin na pastor ka, kundi ang sabihin mo sa kanila ay kapatid nyo ako sa Diyos na Ama na dating makasalanan na ngayon ay nagsusumikap na magbago at maitama ang mga mali sa sarili mo.
Kasi kung magsabi ka sa tao na ikaw ay pastor, at pagdating ng ilaw araw ay bumalik ka sa mga kasalanan mo ay baka makitaan ka ng ibang tao at sabihin sayo na “pastor, pero grabe magsalit, grabe uminom”
Dahil kapag tinawag na pastor or pari, ibig sabihin ay mga taong sumusunod kay kristo or mga taong isinasabuhay ang buhay ni kristo. Ngayon kung pari ka, pastor ka at patuloy ka pa rin sa paggawa ng mali, yan ay isang kahihiyan sa Diyos na Ama. Dahil ano ba ang ipinapakilala ng mga pastor at pari? Di ba Diyos? Tapos biglang malaman na meron ka palang mga mali na tinatago? Di ba napakalaking kahihiyan? Napakalaking kahihiyan sa Diyos na Ama.
Kaya nga kung tanungin kami na mga taga THE HOLY AND SACRED ALMIGHTY GOD OUR FATHER kung kristiyano ba kami? Ang sagot namin ay hindi kami kristiyano kundi ilonggo kami kung ilonggo at bicolano kami kung bicolano kami etc.
Bakit namin sinasabi na hindi kami kristiyano? Dahil merong mga iba na nagsasabi na “kami Born Again, kristiyano kami, kami kristiyano kasi katoliko kami. Na kami kristiyano dahil kumikilala kami kay kristo.
Kaya kami na mga taga ALMIGHTY ang sagot namin ay tagalog kami, ilonggo kami, bicolano kami, ilocano kami, cebuano kami na nagsusumikap na maging kristiyno.
Kaya nga may mga magtatanong na bakit hindi pa kayo kristiyano? Ang sagot namin ay hindi pa eh. Dahil ang totoong kristiyano ay hindi na gumagawa ng mali or kasalanan. Eh kaso nakakagawa pa rin kami ng mga mali, kaya hindi pa namin tinuturing ang mga sarili namin na kristiyano, kundi ang nangingibabaw pa sa amin ay ang pagiging tagalog pa, ilonggo pa, bicolano pa, ilocano pa, cebuano pa.
Dahil kung magsabi ako/kami na mga taga ALMIGHTY na kristiyano na kami, pero pagdating ng ilang araw ay may nakakita sa amin na nagmumura kami, baka sabihin pa sa amin ng ibang tao na kristiyano pero grabe kung magmura? Paniwalaan kaya kami na isang krisiyano? Hindi!
Di ba nakakatawa na sinasabi nating kristiyano tayo pero patuloy pa rin tayo sa paggawa ng mali? Mas maganda pa na sabihin nating tayo ay isang makasalanan na nagsusumikap na itama ang mga mali sa buhay natin at nagsasakripisyo ka na ang mga mali sa sarili mo ay mawala or mabago.
Kaya ngayon, sino ba ang patuloy na gumagawa ng kasalanan? Ang isang tagalog, ilonggo, bicolano, ilocano, cebuano or KRISTIYANO? Di ba ang mga tagalog, ilonggo, bicolano, ilocano, cebuana at patuloy na gumagawa ng kasalanan. Dahil aNg KRISTIYANO ay patuloy bang gumagawa ng kasalanan? Hindi na! Dahil pagsinabing Kristiyano, mga taong sumusunod at kumikilala kay Kristo. So kung ikaw ay kumikilala na at tagasunod ka na ni kristo ay gumagawa ka pa ba dapat ng mali? Hindi na dapat!
Kaya tingnan nyo ang mga religious leader na iba nga ay namatay na lang pero hindi pa rin nila maintindihan ang salitang kristiyano. Dahil lumaki ang bawat isa sa atin na may kanya-kanyang paniniwala na kapag sinabi ng pari na kristiyano ka na daw sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo Amen, ikaw ay isa ng kristiyano tapos wisik-wisik ang pari.
At sa ibang mga sekta wala lang din, sasabihin lang sayo na kapag tinanggap mo daw si Jesus na iyong personal na tagapagligtas ay ligtas ka na daw. Kaya iyong iba dahil sinabi na sa kanila ng pastor na ligtas na sila dahil tinanggap na nila si Jesus na personal nilang tagapagligtas, ay balik na naman ulit sila sa kanilang mga bisyo. Dahil ligtas na daw sila eh dahil tinanggap naman na nila si Jesus.
0 comments :
Post a Comment