Monday, August 24, 2015

Mensahe sa mga mga Pakitang tao ang Paniniwala sa Diyos

Kahit hndi mo kilala si Jesus at ang Ama pero sa buong buhay mo wala kang sinaktan na tao at kahit hndi ka mayaman may natutulungan ka na mga kapus palad at hindi ka nanlalait ng kapwa at hindi ka namumuhay sa kasosyalan at sa mga makamundong kasiyahan at kalayawan at higit sa lahat iniibig mo ang kapwa mo ng higit pa sa sarili mo at sa lahat ng pagkakataon ikaw ay nagpapakumbaba sa iyong kapwa

Kung iyan ang katangian mo kahit hindi mo kilala si Jesus o ang AMA o kahit di mo sila binabanggit, ang katotohanan ang AMA sa langit ikaw ang kanyang kilala at lagi syang nagagalak at nasisiyahan sa taong tulad nito kaysa sa mga taong nagsisigawan ng I LOVE U JESUS or I LOVE U ALMIGHTY FATHER pero nasa puso ang mga katampalasan at pagiging sosyal mahihilig sa pera at laging dasal na madatnan ng kasaganaan sa buhay na magkaroon ng mga mamahaling gamit at mga pag aari at nasa puso ang karamutan at pagkukunwari.

Pero iyong mga taong iyan ay laging bukambibig lord panginoon at lord god at nagdasal ang mga iyan nanginginig pa kunyari ang tinig na tila umiiyak para maipakita na galing talaga sa puso at para mahimok ang mga kasapi sa pananampalataya na magbigay ng malaki lalo na iyong nagsasabi na pagmalaki ang bigay mo sa dyos malaki din balik sa inyo.

Kalokohan iyan ang sumasagana ang buhay dyan ay yaong nagsasalita lng sa gitna na nagmamagaling.Sa mga kapatid ko kay kristo magandang gabi sa inyo pag walang sugat walang hapdi pero pag may sugat mahapdi talga kaya bato bato sa langit na lang kung kanino ang gawain na iyan.godbless!

0 comments :

Post a Comment