Tuesday, August 4, 2015

Mensahe para sa mga Nagkakasakit

Kami sa The Holy and Sacred Almighty God Our Father na nagpapalaganap ng mga mensahe ng Diyos na Ama na may tuwa at ligaya. Ang ibig naming sabihin ay dapat wala ng sama ng loob, wala ng nagtatanim ng galit, hindi na nagdadamdam, puro na lang kaligayahan.

Kaya nga habang naglalakad kami papunta sa missionan namin, ay tawanan pa rin kami ng tawanan, hanggat sa makarating na kami sa pupuntahan naming ay tawanan pa rin kami ng tawanan. Tapos kung may tao naman na pulongan naming, dyan naman kami nagiging seryuso pero may kunting tawanan pa rin. At bakit kami nagtatawanan? Iyon ay dahil sa may peace of mind na ang mga kaluluwa namin.

Pero tingnan mo ang ibang mga nagdadala ng mga Salita ng Diyos, bakit ang bilis lang at nagmamadali na umalis, para bagang wala silang kasiyahan sa pagpapalaganap. Minsan salitain nya lang ang pulong, basa ng bibliya maya-maya ay aalis na. Hindi mo makita sa kanila ang kasiyahan sa pagpapalaganap ng mga Salita ng Diyos. Bakit? Dahil hindi nila makilala ang totoong Diyos at hindi pa dumating sa kanila dumating ang totoong kapayapaan at kaligayahan.

Bakit hindi kami matuwa na mga ALMIGHTY sa pagpapalaganap ng mga Salita ng Diyos? iyon ay dahil sa hindi na kami umiinom ng gamot. Katulad ko 2010 pa na hindi ako umiinom ng gamot, hindi ako nagpapadoctor, hindi ako nagpapahospital, walang gastos sa doctor, walang gastos sa hospital.

Pati na iyong mga kasamahan namin ganun din sila ng sumunod sila sa ALMIGHTY, wala ng bumibili ng gamot, wala ng nagpapa-admit sa hospital, wala ng pacheckup. At iyong ibang mga kasamahan naming na ang panganganak ay doon sa kapilya or sa bahay na lang, wala ng doctor, wala ng midwife, wala ng nurse. Katulad din ng mga kapatid naming sa Mindanao na mga buntis, wala ng prenatal, wala ng immune-imune, pero ang lulusog ng katawan ng mga batang sanggol.

Noon dapat ang bata ay maimune para daw makaiwas sa sakit, mabakunahan, ano pa? kailangan mabinyagan, para makaiwas sa sakit, kumpleto kung baga. Napa binyagan, napa-immune, naprenatal, nacheckup, pero bakit balik-balik pa rin ang bata sa hospital? Dahil sa ang katotohanan, ang sakit ay dahil sa ating mga kasalanan, dahil sa pagkontra natin or hindi pagsunod sa kagustohan ng Diyos na Ama.

Kung bakit hinayaan ng Diyos na Ama na magkasakit ang ating mga anak, para malaman natin or marealize natin na tayo ay sumusuway na sa Diyos na Ama or nakakagawa na tayo ng kasalanan.

Kaya kung magkasakit ang ating mga anak, anong ginagawa natin? di ba pinapainom natin ng gamot, pinapadoctor natin pero hindi pa rin gumagaling. At pagdating natin sa bahay at parang wala ng pag-asa ang anak mo na gumaling anong gagawin natin? di ba magdadasal tayo sa Diyos at sasabihin natin na ipapasa Diyos na lang ang kagalingan ng sakit ng anak natin?

Kita mo? Nilibot mo na ang lahat mga botika at mga doctor, pero dahil hindi gumagaling ang anak mo ay sasabihin mo na ipasa Diyos mo na lang. Anong sinabi ni Jesukristo? Na wag nating ipahuli ang Diyos na Ama, dahil sa panahon natin ngayon ang paniniwala natin sa Diyos na Ama ay laging last priority.

Ano ba ang sabi ng Panginoong Jesukristo? Ang lahat sa ating buhay, sa ating mga sarili kanino natin isandal? Di ba dapat sa Diyos na Ama natin isandal ang lahat-lahat.

Yan ang nawala sa atin, isinasandal natin ang ating mga sakit at problema dito lang sa mga tao, sa doctor at kung kanino pa. Dapat isandal natin sa Diyos na Ama. Noong unang panahon pag may sakit ang mga anak, ang asawa or di kaya ako, pagnanghihina ay magpabili agad ng gamot sa botika at sabihin pa “Alaxan lang katapat nito” at kung hindi makuha sa Alaxan ay sabihin “ay baka Mefenamic or amoxicillin lang ito” at pag hindi pa rin gumaling ay magpacheckup na.

Pagdating mo sa health center ay resitahan ka doctora ng gamot, tapos bilhin mo tapos hindi ka pa rin gumaling tapos sabihin mo “ay kailangan na siguro nito sa private na doctor”. Magpa x-ray ka, magpa ultrasound ka, tapos after nyan ay resitahan ka ulit ng gamot at wala pa rin di ka pa rin gumagaling.

Tapos may nagsabi sayo na magpa albularyo ka kaya, tapos pagdating mo doon sa sabi sayo ang albularyo ay may kumulam sayo. Nadagdagan pa lalo ang sakit mo, hindi lang sa katawan mo kundi pati sa isip magkakasakit ka na dahil iniisip mo kung sino ang nagpakulam sayo, kaya alas 4am na ng umaga ay hindi ka pa rin makatulog sa kakaisip kung sino kumulam sayo.

Isa lang ang gamot sa ating mga sakit, pagsisisi lang sa ating mga kasalanan. Pagluhod, pagsurender natin sa ating mga kasalanan sa Diyos na Ama, kung ano ang mga mali sa ating mga sarili ay isurender natin sa Diyos na Ama.

Kahit ano ka pang relihiyon mo, katoliko ka, iglesia ni kristo, baptist, aliance kahit na muslim ka pa, magsisi ka lang sa iyong mga kasalanan.

Kahit katoliko ka pa kung hindi ka magsisi sa iyong mga kasalanan at kahit sa isang araw ay 20 ka manguros ay walang kabulohan. At kahit sa isang linggo pa ay sampung beses ka magbasa ng bibliya pero hindi ka nagbabago ay walang kabulohan.

At kahit sa kada simba mo ay P5,000 ang binibigay mo na abuloy sa simbahan ay walang kabulohan kung hindi ka naman nagbabago. At kahit anong mga obligasyon or mga aktibadadis sa simbahan ay laging nandyan ka at sa mga prosisyon ay nakayapak ka pa dahil sabi mo gusto mo magsakripisyo para sa Diyos. Pero pagkatapos ng isang linggo ay balik na naman sa pagiinom, paninigarilyo at kung ano pang bisyo ay walang kabulohan.

0 comments :

Post a Comment