Tuesday, March 15, 2016

Paano ipaliwanag na si Jesus ay tao at hindi Diyos dahil sya ay nagkatawang tao

Pag si Jesus ang DIYOS nyo ibig sabihin si Jesus na DIYOS ay pinadala din ni Jesus mula sa langit at si Jesus ay bumalik sa AMA nya na si Jesus din sa langit. Ganyan magiging kalalabasan at hindi ba masagwa pakinggan?

Kasi kung hindi dahil sa AMA wala tayong lahat dito ngayon. At kung sa inyo ay nandito kayo sa mundong ibabaw dahil kay Jesus dahil para sa inyo sya ang lumikha sa inyo eh di ibalik natin ang mga panahon na noong nabubuhay pa c Jesus na inyong DIYOS ay sinabi nya na hindi sya capacitor sa kanyang KALOOBAN kundi sa nagsugo sa kanya at iyon ang DIYOS AMA sa langit.

Ngayon sinabi nya sa mga tao na magpasalamat kayo sa aking AMA kasi kung hindi dahil sa kanya ay wala kayo at pati sya kasi ang AMA ang lumikha ng lahat at sinabi nya na ang nagsasalita sa kanya ay ang AMA.

Kasi may isang Tao na pumuri kay Jesus na sya ay Matalino at magaling, kaya kanyang sinabihan ni Jesus iyong nagsabi na ang aking AMA ang matalino at magaling. At ako kung hindi dahil sa kanya wala ako dito sa inyong harapan.

Ngayon kung sa inyo ang DIYOS nyo ay si Jesus ituloy nyo lang pero iyang mga talata na ipupukol nyo sa amin di na iyan tatalab sa amin. Kasi kung tumatalab iyan sana kayo ang una na binago at nilinis nyan ang ibang pastor at pari na buong buhay hawak iyan, pero di naman naalis ang masamang ugali nila.

At paninindigan namin na Tao nga si Jesus, dahil alangan naman na palaka iyan diba? Si Jesus nagugutom, nauuhaw at pinapawisan at hindi ba sya katulad natin na pag magutom ay hindi kakain?

Para sa amin ang Diyos na Ama ay merong katawan, pero sa ibang nagsasabi ang pagkilala nila sa Diyos ay espirito, dahil walang makakakita kasi nakakasilaw daw at baka masunog ka daw. Ngayon tignan nyo doktrina nyo kung hndi nagkabuhol buhol.

At kung hindi maliligtas ang tao sa paggawa ng mabuti at pagigingmatuwid, eh di sana hindi na sinabi ni Jesus na magbago kayo at magsisi. Kasi ang may matuwid na buhay ay iyon lang magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Sana ang mga laseggo at prosti noon sa panahon ni Jesus di nya sana sinaway na tumigil.

Anu ba ang katangian ng isang tao, diba may katawan pisikal? Ngayon ang tanong si Jesus ba walang katawan na kapareho ng sa atin?

Kaya di po kami basta basta na mapapaniwala sa lahat ng naisulat ng mga apostol kasi sariling opinyon lang nila ang iba dyan na nakasulat. Pero pag dumating ang araw na wala ka na iniinom na gamot pag maysakit at pananalig na lang at gagaling ka maniwala na kami sayo. Pero hanggat sa doktor mo isinasandal sakit mo ang mga salita na pinupukol mo parang kahol lang iyan ng aso na kahol ng kahol na wla namang Tao.

Maging ikaw kapatid, hindi bat ikaw ay kaluluwa ka din na nagkatawang tao kasi ang kaluluwa mo ay binigyan ng AMA ng katawan para makapamuhay dito sa lupa? Ngayon si Jesus diba may kaluluwa din na binigyan din ng AMA ng katawan kaya may pagkakaiba bah sa atin?

Ang sinabi kasi at sinulat ni juan ay hindi lahat nang-gagaling sa AMA sa langit ang iba dyan ay opinyon nya lamang. At kung gusto mo malaman si Jesus kung sino sya, doon ka magbasa sa libro ni isaiah dahil nandoon ang propesiya sa paparating na Kristo at cordero.

Ang kaluluwa dumating sa lupa at binigyan ng katawan para maging tao diba? Ganun din doon sa panahon ni Abraham na iyong bisita nya na 3 na anghel na mga kaluluwa noong una at noong inutusan na puntahan nila si lot para bigyan babala na sisirain ng DIYOS ang sodom at gomorrah bigla rin nagkaroon ng katawan ang tatlo at noong may katawan pisikal na cla pagdating nila doon sa sodom tinawag ba sila doon na anghel pa o kaluluwa?o ang tawag sa kanila ay Tao na kaya nga gahasain pa cla ng taga doon?

At bakit kailangan pa ni Jesus magkatawang tao eh Tao na sya? Bakit dumating ba si Jesus sa lupa na espirito? Diba hindi naman! Dumating sya pareho natin na isinilang na isang sanggol.

Kaya sa tanong na paano si Jesus na nagpakatao? Eh paano pa sya magpapakatao eh Tao naman sya talaga. Buti sana kung manok iyan na nagpakatao ay may isasagot ako, eh Tao na eh magpakatao pa? Anu pala c Jesus sa inyo hindi tao noong una kaya nagpakatao?

Pag sinabi na Tao may katawan at kaluluwa ang tanong nyo nagkatawang Tao, alangan nman na hindi magkatawang Tao si Jesus eh sya ang propeta na pinadala ng AMA.

Ngayon kung hindi magkatawang Tao c jesus may maniniwala kaya sa kanya na pinadala sya ng AMA? Eh ang katotohanan nga may katawang Tao sya, tinataboy pa sya at di sya pinaniniwalaan. Bakit noong hindi pa nagkatawang Tao c Jesus anu bah sya sa inyo? Espirito o hayop kasi nagtatanong kayo?

At anu pala dati si Jesus noong di pa sya dumating dito sa lupa? Di ba espirito at san ba namamalagi ang espirito ni Jesus sa langit? Hindi bat sa AMA.at noong inianak sya hindi bat tao na sya? May sinabi ba kmi na unggoy ang isinilang?

Kung sa inyo si Jesus ay Diyos na pinadala ng Diyos sa langit na c Jesus pa rin at nagdadasal si Jesus na Diyos sa diyos sa langit na Jesus din pangalan nya wala naman problema sa amin.

At sa tanong ng iba kung anu ang Diyos? At sino nagbigay sa amin ng karapatan para tumawag ng ama sa Diyos?

Si Jesus ang pinadala ng AMA sa lupa para ipakilala ang AMA sa lupa kaya nga itinuro ni Jesus ang dasal na AMA Namin. Kung noon sana kung ang itinuro ni Jesus na dasal ay JESUS namin sana sa mga nagsasabi na si Jesus ay Diyos ay wala tayong pinagtatalunan at sana magkakampi tayo.

Ngayon alam mo na kung sino nagbigay sa akin at sa aming na tawagin AMA ang Diyos. Matagal na kayo nagbabasa Di nyo man lang nauunawaan binabasa nyo kung sa sanggol pa kailangan pa ninyo ng maraming gatas para lumaki at maging bata.

At ang mga pastor at mga pari sa tuwing nagsasalita banal talaga sila pero sa likod ng kabanalan anu ang ginagawa nila?

1 comment :

  1. Tol, ang layo ng iyong pananaw sa Biblia out of context ang iyong isinusulat one sided interpretation.Yong mga Atheist ang tingin nila kay CRISTO tao lamang.Ang mga satanista ang tingin nila kay Cristo ay tao lamang .Pati ikaw sumunod sa doktrina nila. Trinity the unity of Father, Son, and Holy Spirit as three persons in one Godhead.Ang purpose talaga ipinadala si CRISTO dito sa mundo hindi lamang ipakilala ang AMA kundi tubusin ang buong katauhan sa kasalanan yong cristong kilala mo na tao hindi yan pwede pambayad sa kasalanan kc makasalanan yan pero yong CRISTONG kilala ko na galing sa langit at nagkatawang tao noon siya po yong pinadala ng AMA para maging pambayad sa ating kasalanan.Pag sinabibg nagkatawang tao hindi talaga tao galing po siya sa Divine World sa langit.Ngayon ito ang tanong hindi ka ba kinikilabutan na yong turo na pinaniwalaan mo katulad sa turo ng mga taong sumasamba kay satanas?

    ReplyDelete