Friday, April 15, 2016

Testimonial: Pagsubok kay Nening at sa Pamilya nya

March 29, 2016 - Pagsubok kay Nening at sa pamilya nya

Noong nagmisyon sa Sarangani Provincial Jail nong March 27, di na nakasama si Nening na taga Kawas kasi 8 buwang buntis na sya at malapit ng manganak sa 2nd child nila ni Jojo.

Habang naga Pulong sa Habitat nong gabi sa bahay nina Jun at Niit, tumawag sina Jojo na baka manganak si Nening pero nahimatay kasi natumba sa banyo at nag bleeding.

Magulo sa bahay nila nong gabi kasi gusto ng mga kamag-anak ni Nening na dalhin sya sa hospital kasi di pa nasa Almighty mga kamag-anak nya, kahit ayaw ng asawa nyang si Jojo. Nandon din si July na pulis na sumusuporta kay Jojo. Pero nong huli, natalo si Jojo kasi nagwala na mga kamag-anak ni Nening at may mga awtoridad na namagitan na baka kasuhan pa si Jojo sa paghadlang na dalhin si Nening sa hospital.

Si Nening ay epileptic at may pulso pa sya, pero nong binuhat sya para dalhin sa hospital ay nawala ang pulso nya kaya patay na sya nong dumating sa hospital at nabalsamar na sya.

Ang Ate ni Nening na sobrang galit sa Almighty ay na stroke at dinala sa hospital para dugtungan ang buhay pero namatay din.

Pinakita ng Ama sa kanila na hindi ang hospital ang magpagaling sa tao kundi Sya na Diyos Ama na Makapangyarihan sa lahat!

Sana nagkaisa lahat ng mga pamilya nila, lumuhod at nagdasal sa Ama!

Grabeng pagsubok ng Ama! Ang mag-asawang Nening at Jojo ang nagpapalaganap ng misyon para sa Diyos Ama sa Kawas. Parati nilang sinasabi na kahit anong mangyari, HINDI talaga sila magpa hospital. Kasama nila sa Kawas ang pulis na si July na gumaling at nagbago dahil sa Almighty Father.

Masaya na si Nening at ang anak nya sa langit kasama ang Diyos Ama!

Cecilia P. Kwan

1 comment :

  1. salamat sa Dios ama sa pagmamahal mo sa aming lahat! proud to say almighty ako!

    ReplyDelete